ano ang kuLay ng mundo para sa iyo?

napaisip ako bigla, napabuntong hininga… ibabahagi ko lang sa inyo ang isinagot ko sa survey na kanikanina lang ay sinubukan kong sagutin…

~~> ang mundo, makulay… masaya, malungkot,
tahimik, magulo, maingay,

maganda ang mundo inaabuso lang ng tao… nakakalungkot pero kailangan nating imulat ang ating mga mata para makita natin ang tunay na kagandahan ng ating natatanging mundo na umiiyak at nananaghoy sa pagmamakaawang sagipin natin sya mula rin mismo sa ating mga kamay na unti-unting sumisira sa kanya…

at dadagdagan ko, sana gumising na tayo, habang hindi pa sya tuluyang nasisira, habang hindi pa sya patuloy na nalulugmok, ibangon na natin sya, bawat isa sa atin ay may magagawa,
maliit man o malaki, pag ginawa natin, makakatulong din yun….

tulungan natin ang mundo, alagaan natin sya, alam naman nating lahat na pag tuluyang nasira ang mundo, lahat tayo mawawala rin…

Leave a Reply