crossroads
Kelan lang nung ako’y iyong saktan. actually matagal na pala yun. pero, to be honest, hindi pa rin nawawala ang sakit. nung nalaman kong may iba ka pala, nasaktan ako. masyadong nasaktan na tila ba namanhid ako sa sakit at kahit ang magalit sa iyo ay di ko magawa. nagkunwari akong okay lang ako.
masyado kong kinukulong ang sarili ko sa isang kunwari’y masayang mundo upang hindi sila maawa sa akin. upang kahit papaano makakaharap pa rin ako sa kanila ng taas noo. pero bakit bumabalik ka? iniwan ka ba nya? bakit biglang bigla, nagpaparamdam ka na naman? at ako naman etong si gaga nagsasaya’t natutuwa kasi ngayon unti-unting bumabalik na sa dati ang samahan nating iyong sinira.
masaya ako kasi andyan ka na ulit. ngunit ganunpaman nangangamba ako. baka mangyari uli ang kinatatakutan ko, ang masaktan mong muli ang puso ko. natatakot akong magtiwala ng buong buo sayo, na ipagkatiwalang muli ang puso ko. baka kasi pag sinaktan mo ako uli hindi ko na makaya. nagpapakamartir ako para sayo alam ko yun. di ko lang mawari bakit ko hinahayaang masaktan ang sarili ko ng ganito. at ngayon nga isa na namang risk ito para sa puso ko. kung tatanggapin ba kitang muli ano kaya ang mangyayari.
nasa crossroads tayong dalawa. ang ating mga emosyon, at kung ano man itong ating nararamdaman. nasa crossroads tayong dalawa. nasa estado na kelangang mamili na kung GO ON ba, o GIVE UP na. kung mananatili ba akong nakakapit, o bibitaw na ako. kung patuloy ko bang isasara ang puso ko, o muli ko nang bubuksan para sa iyo.
hindi ko alam kung anong mangyayari. kung sakali mang mapili ko na kung anong landas ang dapat nating tahakin, kung yun ba ay sa daang magkasama nating babaybayin, o kung maglakbay mag-isa ang aking pipiliin, idinadalangin ko na kung ano man ang mapili ko, nawa’y gabayan Niya ako. at sana magiging handa ako sa anumang desisyon na gagawin ko…
–=–=–=–=–
dear heart, they say time heals the pain, i dont want tears to keep on falling, i dont want my heart to keep on aching, teach me to be brave, to be strong, to end all this hurting.
dear heart, unselfish love is what i need. the way to the right person you lead. i know its hard for you to do, but please, please beat only for who is true.
-=-=-=-=-=-=-=-=
i can honestly say, ive gone through this already, hay ang tagal kong nasa crossroad na ito. more than a dozen months of paghihintay at pagpapakatanga… not only once of stumbling and falling… ive shed a river of tears… ive gone through so many sleepless nights.. hearing my heart beat and knowing that its hurting because of you…
ive learned from my mistakes… im stronger now. and id like to thank you for that.
ive passed through this crossroad, ive made my decision… to let go of you…
so im finally saying goodbye,
and now im ready to move on…
