r u 1 of d many?
Wednesday, June 13th, 2007
So…Isa ka ba sa kanila???? =)
ang ilang mga rason kung bakit single ang status mo…
11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para
pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. ayannn…
kakapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nyo ang nangyari sa movie eh
mangyayari rin sa inyo… such a cliche.. hindi ba nyo alam na kung
walang effort destiny is
useless.
10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong "dapat ganito ang
magiging kapartner ko". Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang
kuko o maydumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa
mabait, boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka
tatanungin ka "bakit ang sama mo", "bakit mo nagawa yun!"… Adik ka
ba?!… Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka
ayaw mo naman.. yung gusto mo halos magtambling ka pero deadma pa rin
yang stunts mO sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?
9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung
estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka.
Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay
ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho
sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa
pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na
ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for a while
naman!
8. Friendship Theory
Ano naman ito?… Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay
special friend, na hindi masabi-sabi sa friendship nya sa loob ng
kanilang mahabang panahon na pagsasama, dahil baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si
friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag
pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi! Lakasan mo ang
loob mo at baka mamaya forever mong pagsisihan yan, kaw rin!… Minsan
pa naman pareho pala kayong naghihintayan. . hmmp!
7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta
lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamamatay sya sa
mundong mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang… Asa kang
tatanggapin ka pa noh!
6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino na
lang basta no strings attached. For fun lang daw… Walang halong
seryosohan. ABA hoy! Yang init ng katawan mo e ikiskis mo na lang sa
pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!
5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung
ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo
hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang
hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa
sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at
hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong
ibitin ka nila ng
patiwarik.
4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi pa ako ready e, bata pa kasi
ako" o kaya naman "hindi pa ako handa sa panahong ito", "wala pa ako
kayang ipagmalaki". Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang
panahon para sa love. Awwwwwww!… Aba kelan yun?!… Pag uugod-ugod ka
na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang-out of time ka na?
Oist, sugod lang ng sugod!
3. Si Parents kasi…
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader
o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna
raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa
sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama
mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na "Alam mo hindi kayo bagay. Langit
at lupa kayo." Awwwww!… Payo ko sayo, "Pakialam nila diba?…
Palibhasa inggit!"
2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. "Ayaw kona!!! Takot na ako mangyari
pa ang nangyari dati!"… O diba, ang drama ng layp?… Yes, tama ka.
Eto yung dahil sa past relationship mo, e until now aayaw mo nang
magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa
mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka!, anopa ba?… Madami yan wag na nating isa-isahin at baka tumulo si tears, heheh… Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at
hijo… Ibat-iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may
matamis at may maasim. Aba , mapalad ka at natikman mo ang ibat-ibang
lasa nito! Kaya ikaw, "Do not be afraid to fall in love again… malay
mo, sweetiness na ang malasahan mo next time.! E di panalo ka sa lotto!
Yan ang nagpapalakas sayo… Yan ang bumubuhay sayo… ang pag-ibig. Tsk! Drama!
1. EX to the Nth power
Oi, aminin!!! LOVE pa rin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas.
May ganito naman. Yung tipong ilang taon na ang nakakalipas, hindi pa
rin makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at
lahat ng
nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyo ng magpaalam sa
isa’t- isa… YES, after a year sasabihin natin, "I’m over him/her
na.", pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating
relationship from the past, TADANANANNNNNNNNNNN , eto na, sya agad ang
naalala mo. At habang nagkukwento ka, OUCH! may kirot, o kaya may ngiti
at may bumabagabag sa iyong kalooban. Ano kaya yun?!… AMININ mo na
kasi, MAHAL mo pa si EX… Isa lang ang masasabi ko, well, mahirap sya
kalimutan alam ko yan, pero open your heart and makipagdate ka, lumabas
ka, at try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give
urself a KITKAT, take a break.
Oh, san ka pa?… Grab one now! LOLZ!